WEBVTT

00:16.537 --> 00:17.955
<i>May tao na gusto kong makita.</i>

00:25.880 --> 00:29.425
<i>Ako si Taiki Inomata,
first year sa Eimei Private High School.</i>

00:31.427 --> 00:35.097
<i>Na-in love ako kay Chinatsu-senpai
na mas matanda sa 'kin nang isang taon.</i>

00:36.348 --> 00:38.726
Dito na siya titira mula ngayong spring.

00:39.727 --> 00:41.020
Bahala ka na sa 'kin.

00:42.104 --> 00:45.149
Sinabi ko kay Taiki
na may gusto ako sa kanya.

00:45.858 --> 00:49.028
Hindi puwedeng maging tayo.

00:49.612 --> 00:52.156
Tracksuit! Gusto kong bumili ng tracksuit!

00:52.239 --> 00:53.783
<i>Magde-date kami!</i>

00:54.366 --> 00:57.995
<i>Tsansa ko na rin 'yon
para mag-confess sa kanya.</i>

00:58.078 --> 01:01.373
<i>Sa harap ng flower bed.</i>

01:24.480 --> 01:28.651
BLUE BOX SEASON 2

02:51.734 --> 02:55.571
EPISODE 26
DÉJÀ VU

03:11.879 --> 03:16.508
Saan kaya meron no'n,
sa badminton section o sa apparel section?

03:20.220 --> 03:22.264
Tara, Taiki. Sa second floor tayo.

03:22.348 --> 03:23.515
Sige.

03:28.604 --> 03:33.317
<i>First time 'to na ako ang nagyaya.</i>

03:33.400 --> 03:36.779
<i>Kaya unang totoong date namin 'to.</i>

03:37.404 --> 03:39.865
Gusto mo bang gumala
sa sunod na day off natin?

03:39.949 --> 03:43.786
May cafe na gusto kong puntahan.
Punta rin tayo do'n?

03:43.869 --> 03:45.788
<i>Magka-cafe pa kami.</i>

03:47.373 --> 03:49.291
<i>Sobrang daming sports.</i>

03:50.876 --> 03:54.046
<i>Sobrang daming sportswear!</i>

04:04.348 --> 04:07.393
<i>Lagot, masyado akong nadala.</i>

04:07.476 --> 04:08.560
Taiki.

04:09.061 --> 04:11.313
PUSIT

04:11.397 --> 04:12.982
Eto ba?

04:15.442 --> 04:16.986
Seryoso ka ba?

04:17.069 --> 04:18.320
Seryosong-seryoso.

04:18.404 --> 04:21.115
- Susuotin mo ba 'yan?
- Hindi.

04:21.198 --> 04:23.367
E, ba't mo naisip na susuotin <i>ko</i> 'yan?

04:24.702 --> 04:25.953
Nagbaka-sakali lang.

04:27.329 --> 04:29.373
MALAKING HULI

04:31.333 --> 04:33.627
<i>Enjoy din 'tong super casual na vibes!</i>

04:34.545 --> 04:35.379
Ta-da!

04:35.462 --> 04:36.422
SIGURADONG PANALO

04:37.715 --> 04:38.590
Ta-da!

04:38.674 --> 04:39.508
REGARDS SA 'YO!

04:41.719 --> 04:44.638
INAT

04:44.722 --> 04:46.974
E, eto kaya?

04:49.101 --> 04:50.394
Uy, parang ayos 'to.

04:52.229 --> 04:53.856
Ang cool n'yan.

04:56.066 --> 04:59.403
May mas malaki pang size
kung gusto mong makasiguro.

05:03.073 --> 05:04.575
Okay na 'ko dito.

05:04.658 --> 05:07.328
Ang cool ng mga tracksuit, 'no?

05:08.245 --> 05:10.581
Baka bumili rin ako ng T-shirt.

05:11.123 --> 05:12.791
Susukatin ko 'to.

05:12.875 --> 05:13.709
Sige lang.

05:18.797 --> 05:22.718
<i>Okay lang bang maghintay ako
sa labas mismo ng fitting room?</i>

05:22.801 --> 05:26.305
<i>Pero baka lumabas siya
para ipakita sa 'kin pagkasukat niya.</i>

05:26.847 --> 05:29.350
<i>Hindi ako dapat lumayo kung sakali.</i>

05:35.230 --> 05:37.024
<i>Saktong-sakto 'tong size.</i>

05:38.233 --> 05:39.860
<i>Matanong nga si Taiki.</i>

05:40.861 --> 05:41.862
Huh!

05:41.945 --> 05:44.114
Uy, Inomata!

05:44.698 --> 05:45.991
Yokomura…

05:46.075 --> 05:47.409
Nandito ka rin pala.

05:47.493 --> 05:49.119
Bibili ka ba ng pang-volleyball?

05:51.455 --> 05:53.373
Sapatos ng babae?

05:54.792 --> 05:56.418
Gets, gets.

05:56.502 --> 05:59.213
Hindi ko akalain. Ayos 'yan, p're.

05:59.296 --> 06:00.214
Good luck, 'tol.

06:00.297 --> 06:01.131
Hindi gano'n 'to…

06:01.799 --> 06:04.176
Tatantanan na kita, at tikom din ako.

06:04.259 --> 06:05.177
Salamat, a.

06:05.260 --> 06:08.138
May gusto lang akong i-confirm.

06:08.764 --> 06:09.890
Si Chono ba 'yan?

06:11.850 --> 06:12.893
Ano?

06:13.477 --> 06:15.646
Sorry, di nga pala okay mang-usisa.

06:15.729 --> 06:16.605
Una na 'ko.

06:17.981 --> 06:20.400
<i>Iniisip ng iba na kami ni Hina?</i>

06:21.568 --> 06:23.153
<i>Close nga kami dati.</i>

06:38.252 --> 06:39.336
<i>Hindi niya suot.</i>

06:40.087 --> 06:41.130
Kumusta 'yan?

06:41.213 --> 06:43.966
Medyo malaki, e.

06:44.466 --> 06:46.051
A, gano'n ba?

06:46.135 --> 06:48.804
Babalik na lang ako para bilhin 'to.

06:48.887 --> 06:51.140
Sige, babayaran ko na 'to.

06:51.974 --> 06:53.892
Excited na 'kong pumunta do'n sa cafe.

06:54.810 --> 06:55.644
Okay.

07:18.584 --> 07:19.960
Malapit 'yon dito, 'no?

07:20.043 --> 07:23.797
Oo. Nakapunta na kami do'n ni Nagisa.

07:23.881 --> 07:25.799
<i>A, nakapunta na pala siya do'n.</i>

07:26.467 --> 07:30.554
Do'n ko natikman
'yong pinakamasarap na apple pie.

07:31.305 --> 07:33.307
Gusto kong ipatikim 'yon sa 'yo.

07:35.392 --> 07:38.353
Ako rin, may gusto akong ipatikim sa 'yo.

07:38.437 --> 07:39.813
Gawin natin sa susunod.

07:41.315 --> 07:42.316
Sige, tara.

07:50.866 --> 07:52.326
Welcome.

07:53.827 --> 07:54.703
Pandalawa po—

07:57.039 --> 07:58.081
Mag-isa ka lang?

07:58.165 --> 08:00.292
Sabay ka na sa 'min kung gusto mo.

08:00.375 --> 08:01.919
Matsuoka?

08:04.046 --> 08:05.589
Natsu!

08:08.884 --> 08:11.428
Tadhanang nagkita tayo dito.

08:11.512 --> 08:12.721
Badtrip.

08:12.804 --> 08:16.725
Dito ka na, Natsu.
Wala naman nang ibang upuan, e.

08:17.309 --> 08:18.310
<i>Ano?</i>

08:20.479 --> 08:21.313
Si fanboy?

08:21.396 --> 08:24.983
Inomata ang pangalan ko.
Kanina mo pa 'ko nakita!

08:26.360 --> 08:29.988
Teka. Ba't magkasama kayong dalawa?

08:33.742 --> 08:35.244
Ekis 'yan, Natsu.

08:35.327 --> 08:39.331
Hindi ka dapat mangaladkad ng fan
para lang may kasama kang mag-cafe.

08:39.414 --> 08:41.375
Kaya kong mag-cafe nang mag-isa.

08:41.458 --> 08:43.418
Di bale na, upo na kayo.

08:48.298 --> 08:49.883
<i>No'ng una,</i>

08:50.926 --> 08:53.554
<i>akala ko masama lang
ang ugali ng taong 'to.</i>

08:53.637 --> 08:54.888
Magsi-CR lang ako.

08:54.972 --> 08:58.392
<i>Pero baka tolongges lang siya
na hindi marunong bumasa.</i>

09:04.815 --> 09:07.693
Fanboy, tsansa mo na 'to.

09:08.193 --> 09:09.027
Ano?

09:10.112 --> 09:11.655
Umuwi ka na.

09:11.738 --> 09:15.659
<i>Umuwi ka na. Umuwi ka na. Umuwi ka na.</i>

09:15.742 --> 09:17.661
<i>Mali, kupal kung kupal talaga siya!</i>

09:17.744 --> 09:22.165
<i>Pinakamalala siya!</i>

09:25.085 --> 09:27.170
Ano, no English ka ba?

09:27.754 --> 09:30.924
Pinapakiusapan kita na umalis ka na.

09:31.008 --> 09:33.093
<i>Sigurado akong dinidiktahan mo 'ko!</i>

09:34.636 --> 09:36.847
Ako nga dapat ang magsabi n'yan.

09:36.930 --> 09:41.101
Sinet ko 'to para makalabas kami
ni Chinatsu-senpai nang kami lang.

09:41.184 --> 09:43.312
- Ikaw ang umeepal—
- Nandito na 'ko.

09:45.314 --> 09:47.024
Buti naman, Natsu.

09:47.107 --> 09:51.612
<i>Chinatsu-senpai, tingnan mo nang mabuti!
Wag kang papadala sa ngiti niya!</i>

09:51.695 --> 09:54.031
Mukha ka na namang may masamang balak.

09:54.114 --> 09:55.365
Ang salbahe mo sa 'kin.

09:55.449 --> 09:57.367
<i>Alam na niya?</i>

09:57.451 --> 09:58.785
Ano'ng sa 'yo, Natsu?

09:58.869 --> 10:00.162
Apple pie at tea.

10:00.245 --> 10:02.664
Oo nga pala, tea person.

10:02.748 --> 10:04.666
Umiinom ka ng tea sa klase.

10:04.750 --> 10:06.918
Alam ko rin 'yon!

10:07.002 --> 10:08.211
Excuse me po!

10:08.295 --> 10:09.546
Ano'ng order mo?

10:09.630 --> 10:10.672
Gusto ko ng…

10:11.340 --> 10:12.591
Protein?

10:12.674 --> 10:14.176
<i>Binabanatan ako nito!</i>

10:15.260 --> 10:18.305
Apple pie at tea rin ako
na gustong ipatikim ni Chinatsu-senpai.

10:18.388 --> 10:22.517
Naaalala ko dito
no'ng nasa middle school pa tayo.

10:22.601 --> 10:23.977
<i>Makinig ka nga!</i>

10:24.061 --> 10:27.230
Nag-cafe pagkatapos ng practice
'yong buong basketball team.

10:27.314 --> 10:28.857
Ready na kayong umorder?

10:28.940 --> 10:32.361
Puwedeng tigdalawang order nito at nito?

10:32.444 --> 10:34.029
Oo naman.

10:34.112 --> 10:35.822
Tandang-tanda ko pa!

10:35.906 --> 10:38.200
Gusto nating pumunta sa sosyal na lugar.

10:38.283 --> 10:39.368
Nagpunta tayo?

10:40.160 --> 10:43.372
Pamilyar ka ba sa cafe na 'yon sa Nichome?

10:43.955 --> 10:44.790
'Yong—

10:44.873 --> 10:48.126
Ang mahal nga no'n
para sa middle schooler.

10:48.710 --> 10:51.755
Umorder si Nagisa ng espresso
para magmukhang cool.

10:52.798 --> 10:54.508
Si Yumeka 'yo.

10:58.720 --> 10:59.721
<i>Ano'ng nangyari?</i>

10:59.805 --> 11:03.767
Talaga ba? Pero nangyari ang lahat ng 'yon
no'ng pauwi na tayo.

11:03.850 --> 11:05.268
<i>Sino si Yumeka?</i>

11:08.355 --> 11:10.399
Eto na ang order n'yo.

11:25.122 --> 11:28.291
<i>Bagay na bagay ang lutong ng crust
sa tamis ng apple!</i>

11:32.879 --> 11:34.214
Maiba tayo…

11:36.716 --> 11:38.427
Sobrang sarap.

11:56.736 --> 11:58.071
Ngayon…

11:59.489 --> 12:00.574
Saan na tayo?

12:02.284 --> 12:06.788
- Teka lang, a!
- Tutal kumain na tayo, ano, bowling tayo?

12:08.915 --> 12:11.793
Sorry, may naiwan ako sa cafe.
Sandali lang ako.

12:15.297 --> 12:17.799
<i>Panira siya sa alone time namin.</i>

12:30.228 --> 12:31.062
Ay, sorry.

12:31.146 --> 12:33.106
<i>Sure akong sinasadya niya 'yon</i>

12:33.190 --> 12:34.566
Ganito.

12:35.817 --> 12:38.320
May oras ka ba talaga para sa love life?

12:45.035 --> 12:49.414
Hindi ba
natalo ka ni Haryu no'ng isang araw?

12:49.498 --> 12:50.832
Hindi lang siya, a.

12:51.416 --> 12:53.084
Saka ang akin lang, a,

12:53.168 --> 12:56.421
parang wala ka namang lamang
sa ibang teammates mo.

12:57.422 --> 13:00.509
Pero ako, sisiw sa 'kin ang basketball,

13:00.592 --> 13:03.053
at kayang-kaya kong isabay 'to do'n.

13:05.388 --> 13:06.806
Mapagsasabay ko 'yong dalawa.

13:09.809 --> 13:11.061
Talaga lang, a?

13:16.441 --> 13:17.817
Sorry at natagalan ako!

13:18.318 --> 13:19.569
Hindi, a, sakto lang.

13:23.156 --> 13:25.867
<i>Sapul na sapul niya 'ko do'n.</i>

13:25.951 --> 13:27.702
<i>Pinagpawisan ako nang malamig.</i>

13:28.286 --> 13:31.831
<i>Nag-decide akong di na 'ko papayag
na pangunahan ako ng takot</i>

13:32.457 --> 13:34.167
<i>at umatras nang dahil do'n.</i>

13:34.668 --> 13:36.586
Ano pala, Matsuoka…

13:36.670 --> 13:38.088
Teka, may nag-text.

13:39.881 --> 13:41.633
Saktong-sakto!

13:41.716 --> 13:46.221
May mga kakilala ako sa Yusei University
na nagba-basketball ngayon.

13:46.304 --> 13:47.597
Sali tayo, Natsu!

13:48.181 --> 13:49.182
Ano?

13:52.310 --> 13:55.063
Malakas ang basketball team
ng Yusei University

13:55.146 --> 13:56.856
kaya marami kang matututunan.

13:57.482 --> 13:58.858
Kaso…

14:00.652 --> 14:03.530
Puwede raw akong magsama ng kahit sino.

14:04.948 --> 14:06.491
Sumama ka na!

14:09.327 --> 14:13.039
Marami kang matututunan
sa pakikipaglaro sa mga college student!

14:13.999 --> 14:16.001
Wag mo 'kong isipin!

14:16.585 --> 14:19.754
Saka uuwi rin ako para mag-practice!

14:23.341 --> 14:24.718
Narinig mo siya.

14:24.801 --> 14:26.261
Sige na, tara na!

14:27.554 --> 14:29.973
- Tara na.
- Pero…

14:30.056 --> 14:31.683
Dito tayo.

14:33.184 --> 14:34.477
Una na kami!

14:35.604 --> 14:37.480
Hindi ko ginawa 'yon para sa 'yo!

14:57.375 --> 15:00.211
<i>Marami pa sana kaming pupuntahan…</i>

15:03.798 --> 15:06.635
<i>pero gusto ko ring
suportahan siya sa basketball.</i>

15:09.137 --> 15:11.514
<i>Kapag pumatol pa 'ko sa lalaking 'yon…</i>

15:16.603 --> 15:19.230
<i>alam kong walang maitutulong 'yon.</i>

15:45.882 --> 15:48.093
Akala ko nauna ka nang sumakay.

15:48.593 --> 15:50.095
Nag-CR ako.

15:51.972 --> 15:54.599
Ano'ng nangyari sa basketball practice mo?

15:57.811 --> 16:01.356
Pinag-isipan ko 'yon
at wala pala akong pamalit.

16:08.571 --> 16:10.407
E, di sabay na tayong umuwi!

16:14.494 --> 16:15.745
<i>Sobrang saya ko.</i>

16:16.413 --> 16:18.248
<i>Masaya akong bumalik siya.</i>

16:18.832 --> 16:20.667
<i>Masaya akong sabay kaming uuwi.</i>

16:21.835 --> 16:26.214
<i>Pero kahit masaya ako,
marami akong kailangang gawin.</i>

16:26.840 --> 16:28.842
Nagisa-senpai.

16:29.426 --> 16:31.803
Nakita ko 'tong picture habang naglilinis.

16:31.886 --> 16:33.888
Sino 'yong number four?

16:33.972 --> 16:35.557
A, siya?

16:36.474 --> 16:37.892
Si Yumeka Kido.

16:41.771 --> 16:44.607
Masarap 'yong apple pie, 'no?

16:44.691 --> 16:46.317
The best sa mga natikman ko!

16:47.444 --> 16:48.778
Buti naman.

16:48.862 --> 16:50.822
Ang bilis ng araw na 'to.

16:51.573 --> 16:53.408
Oo nga, e.

16:53.908 --> 16:56.327
SUNOD NA ISTASYON - OMOTESANDO

16:57.954 --> 16:59.330
Chinatsu-senpai.

16:59.414 --> 17:02.584
Okay lang ba sa 'yo
kung maya-maya na tayo umuwi?

17:09.674 --> 17:13.720
<i>May alam akong perfect na puntahan
nang ganitong oras.</i>

17:27.442 --> 17:29.152
Ang ganda.

17:29.652 --> 17:31.613
Sakto ang dating natin.

17:32.864 --> 17:36.117
Oo nga, parang slow-mo ang oras.

17:38.119 --> 17:39.871
<i>Sana nga tumigil ang oras!</i>

17:42.707 --> 17:44.542
Ang ganda-ganda talaga.

17:44.626 --> 17:46.211
Ang ganda nga.

17:52.675 --> 17:54.135
Pero hindi ko 'to inasahan.

17:54.219 --> 17:55.136
Ano?

17:55.220 --> 17:58.515
Hindi ko naisip
na may mga alam kang ganitong lugar.

17:59.724 --> 18:00.975
Ano kasi…

18:01.059 --> 18:03.061
HIGH SCHOOL, DATE, NIGHT VIEW

18:03.144 --> 18:03.978
HIGH SCHOOL GALA

18:04.062 --> 18:06.064
<i>Ang tagal kong nag-research para dito!</i>

18:06.147 --> 18:08.566
- Siguro…
- Ano 'yon?

18:09.567 --> 18:10.860
Meron ka nang dinala rito?

18:10.944 --> 18:13.238
Wala, 'no!

18:13.321 --> 18:15.824
Bale, ano, first time kong pumunta dito,

18:15.907 --> 18:18.743
at nag-alala pa nga ako
na baka maligaw tayo.

18:26.167 --> 18:28.503
First time ko ring pumunta dito.

18:29.921 --> 18:34.843
Hanggang kahapon, akala ko
parang pagpapabaya 'yong ganitong paggala.

18:36.928 --> 18:38.263
<i>Sino si Yumeka?</i>

18:38.346 --> 18:41.766
Hindi n'yo nga malalaman
kung high school na kayo nag-Eimei.

18:43.601 --> 18:47.272
<i>Di nga? 'Yon na nga lang, di mo pa kaya?</i>

18:47.355 --> 18:49.774
'Yong pagka-Spartan sa training ni Yumeka

18:49.858 --> 18:51.025
at pagka-sarcastic niya!

18:52.610 --> 18:54.529
Pero genius siya.

18:55.446 --> 18:57.574
<i>Malupit ang chemistry nila ni Chinatsu</i>

18:57.657 --> 18:59.659
<i>kasi mula pagkabata pa sila magkalaro.</i>

18:59.742 --> 19:00.743
AWARD

19:01.369 --> 19:02.620
Gano'n pala.

19:02.704 --> 19:03.538
Pero…

19:03.621 --> 19:06.166
Oo, tumigil siya no'ng middle school.

19:07.250 --> 19:08.918
<i>Nang walang pasabi.</i>

19:09.961 --> 19:12.422
Nag-quit siya sa school at sa basketball.

19:23.183 --> 19:24.726
Giniginaw ka ba?

19:24.809 --> 19:26.436
Hindi, ayos lang ako.

19:28.897 --> 19:30.356
Eto, isuot mo.

19:30.940 --> 19:34.068
Puwedeng panabla sa hangin
'tong binili kong tracksuit.

19:34.777 --> 19:37.238
Meron din dapat akong baong hand warmers.

19:37.322 --> 19:39.073
Pinadala sa 'kin ni Mama.

19:39.157 --> 19:42.660
Nasa bulsa na 'to dapat 'yon.

19:47.290 --> 19:48.708
Ano 'yon?

19:51.920 --> 19:54.088
Parang déjà vu lang.

19:57.467 --> 20:00.762
Puwede mong gamitin 'to kung gusto mo!

20:00.845 --> 20:02.347
Kakalaba lang nito!

20:03.973 --> 20:06.684
Saka… Eto, may mainit na tsaa ako.

20:06.768 --> 20:09.312
Nagtatagal ang init sa thermos na 'to.

20:09.395 --> 20:11.898
Meron din akong gloves at pocket heater!

20:12.482 --> 20:14.150
Iinit 'to kapag inalog mo.

20:17.487 --> 20:19.822
Ang creepy siguro sa 'yo no'n.

20:19.906 --> 20:23.952
Biglang may lower year na di mo kilala
na nagpapasuot sa 'yo ng scarf niya.

20:24.035 --> 20:25.495
Nagulat nga ako do'n.

20:25.578 --> 20:26.412
Di nga?

20:29.916 --> 20:32.168
Pero hindi creepy sa 'kin 'yon.

20:33.211 --> 20:37.215
Kasi kahit hindi pa kita nakausap,
nakikita na kita tuwing umaga.

20:42.470 --> 20:44.931
Ang naging dating mo sa 'kin.

20:45.014 --> 20:49.435
tapat, masipag, at marangal kang tao.

20:58.486 --> 21:01.197
Ano'ng sunod mong ibibigay sa 'kin?

21:10.373 --> 21:11.499
Joke lang.

21:17.880 --> 21:19.716
Wala akong maibibigay sa 'yo

21:19.799 --> 21:21.092
pero…

21:22.927 --> 21:25.221
may gusto akong sabihin sa 'yo.

21:27.932 --> 21:29.309
Natsu?

21:38.067 --> 21:39.485
Yumeka.

21:40.570 --> 21:42.363
<i>Teka, 'yong nabanggit kanina?</i>

21:43.489 --> 21:44.991
Seryoso?

21:45.074 --> 21:47.994
Totoo ba 'to?

21:48.661 --> 21:50.997
May boyfriend ka na rin?

21:51.080 --> 21:53.750
Hindi niya 'ko boyfriend.

21:55.168 --> 21:56.252
A, gano'n?

21:57.837 --> 22:00.757
Sa basketball lang umiikot
ang mundo mo no'n.

22:00.840 --> 22:04.052
Tapos luma-love life na rin
si Natsu ngayon.

22:08.556 --> 22:09.974
Mukhang…

22:12.143 --> 22:14.979
sinukuan mo na rin ang basketball.

23:48.948 --> 23:53.953
Nagsalin ng Subtitle: Maui Felix
